Git
Chapters ▾ 2nd Edition

A3.9 Appendix C: Mga Kautusan ng Git - Email

Email

Maraming mga proyekto ng Git, kasali na ang Git mismo, ay ganap na pinananatili ng mga lista ng liham. Ang Git ay may ilang mga kasangkapan na binuo sa loob nito na tumutulong gawing mas madali ang prosesong ito, mula sa pagbuo ng mga patch na maaari mong madaling i-email hanggang sa paglalapat ng mga patch mula sa isang email box.

git apply

Ang git apply na utos command nilalapat ang patch na nilikha gamit ang git diff o kahit na GNU diff na utos. Ito ay katulad ng kung ano ang patch na utos na maaaring gawin sa ilang maliliit na pagkakaiba.

Ipinakikita namin ang paggamit nito at ang mga pangyayari kung saan maaari mong gawin ito sa Applying Patches from Email.

git am

Ang git am na utos ay ginamit para ilagay ang mga patch mula sa inbox ng email, partikular na ang isang naka-format na mbox. Ito ay kapaki-pakinabang sa pagtanggap ng mga patch sa email at ilapat ang mga ito ng madali sa iyong proyekto.

Tinalakay namin ang paggamit at workflow ng git am sa Applying a Patch with am kabilang ang paggamit ng --resolved, -i at -3 na mga opsyon.

Mayroon ding iilang mga hook na maaari mong gamitin upang makatulong sa workflow sa paligid ng git am at sila ay tinalakay sa Mga Hook ng Email Workflow.

Ginagamit din namin ito upang ilapat ang patch na naka-format sa mga pagbabago sa GitHub Pull Request sa Mga Abiso sa Email.

git format-patch

Ang git format-patch na utos ay ginamit para makagawa ng mga serye ng mga patch sa format ng mbox na maaari mong gamitin upang ipadala sa isang mailing list na naka-format ng maayos.

Tinalakay namin ito sa isang halimbawa ng pagbibigay ng kontribusyon sa isang proyekto gamit ang git format-patch na kasangkapan sa Public Project over Email.

git imap-send

Ang git imap-send na utos ay nag-upload ng mailbox na nabuo sa pamamagitan ng git format-patch sa isang folder ng mga draft ng IMAP.

Tinalakay namin ang isang halimbawa ng pagbibigay ng kontribusyon sa isang proyekto sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga patch gamit ang git imap-send na kasangkapan sa Public Project over Email.

git send-email

Ang git send-email na utos ay ginamit para magpadala ng mga patch kung saan ay nabuo sa pamamagitan ng git format-patch sa email.

Tinalakay namin ang isang halimbawa ng pag-ambag sa isang proyekto sa pamamagitan ng mga patch gamit ang git send-email na kasangkapan sa Public Project over Email.

git request-pull

Ang git request-pull na utos ay simpleng ginagamit upang bumuo ng isang halimbawa ng nilalaman ng mensahe upang mag-email sa isang tao. Kung meron kang isang branch na nasa pampublikong server at nais na ipaalam sa isang tao kung paano isama ang mga pagbabagong iyon na hindi na magpadala ng mga patch sa email, maaari mong patakbuhin ang utos na ito at ipadala ang output sa taong gusto mong kunin ang mga pagbabago.

Pinakita namin kung paano gamitin ang git request-pull para makabuo ng pull na mensahe sa Forked Public Project.

scroll-to-top