Git
Chapters ▾ 2nd Edition

A3.1 Appendix C: Mga Kautusan ng Git - Setup at Config

Sa buong aklat ipinakilala namin ang dose-dosenang mga kautusan ng Git at sinubukang ipakilala ang mga ito sa pamamagitan ng pagsalaysay, dahan-dahang magdagdag ng maraming mga kautusan sa kuwento. Gayunpaman, ito ay nagbigay sa amin ng mga halimbawa sa paggamit ng mga kautusan na medyo watak-watak sa buong aklat.

Sa apendiks na ito, tayo ay dadaan sa lahat ng mga kautusan ng Git na binanggit natin sa buong aklat, na pinagsama ayon sa paggamit nito. Pag-uusapan natin ang bawat kautusan kung ano sa pangkalahatan ang ginagawa nito at pagkatapos ay ipapakita kung saan sa aklat mahahanap ang paggamit nito.

Setup at Config

Mayroong dalawang mga kautusan na madalas ginagamit, mula sa unang mga tawag ng Git hanggang sa karaniwang araw-araw na pag-aayos at sanggunian, ang config at help na mga kautusan.

git config

Ang Git ay may default na paraan sa paggawa ng daan-daang mga bagay. Karamihan ng mga bagay na ito ay maaari kang magpahayag sa Git na gamitin ang default o di kaya gawin ang mga ito sa ibang paraan, o itakda ang iyong mga kagustuhan. Ito ay nagsasangkot ng lahat mula sa pagsasabi sa Git kung ano ang pangalan mo hanggang sa mga partikular na kagustuhan sa kulay ng terminal o kung ano ang iyong ginamit na editor. Maraming mga file ang babasahin at isusulat ng kautusang ito para ikaw ay makatakda ng pangkalahatang halaga o pababa sa partikular na mga repositoryo.

Ang kautusang git config ay ginamit sa halos bawat kabanata ng aklat.

Sa Unang Beses na Pag-Setup ng Git ginamit namin ito upang tukuyin ang aming pangalan, email address at napiling editor bago pa namin simulan ang paggamit ng Git.

Sa Mga Alyas sa Git ipinakita namin kung paano mo magagamit ito upang lumikha ng pinaikling mga kautusan at lumalawak sa mahabang mga pagkakasunud-sunod ng pagpipilian upang hindi mo kailangang i-type ang mga ito nang paulit-ulit.

Sa Pag-rebase ginamit namin ito upang maging --rebase ang default kapag nagpatakbo ka ng git pull.

Sa Kredensyal na ImbakanCredential Storage ginamit namin ito upang mag-set up ng isang default na imbakan para sa iyong mga HTTP password.

Sa Pagpapalawak ng Keyword ipinakita namin kung paano i-set up mga mantsa at malinis na salaan sa nilalaman na papasok at palabas ng Git.

Sa katapusan, halos ang kabuuan ng Kompigurasyon ng Git ay nilaan para sa kautusan.

git help

Ang kautusan na git help ay ginagamit upang ipakita sa iyo ang lahat ng dokumentasyon na naipadala sa Git tungkol sa anumang kautusan. Habang nagbibigay kami ng kaunting pangkalahatang-ideya sa karamihan sa mga mas sikat na kautusan sa apendiks na ito, para sa buong listahan sa lahat ng mga posibleng pagpipilian at mga flag para sa bawat kautusan, maaari mong laging patakbuhin ang git help <command>.

Ipinakilala namin ang kautusang git help sa Pag-Setup ng Server.

scroll-to-top