Git
Chapters ▾ 2nd Edition

4.9 Git sa Server - Mga Opsyon ng Naka-host sa Third Party

Mga Opsyon ng Naka-host sa Third Party

Kung hindi mo nais pagdaanan ang lahat ng trabaho kasali sa pag-set up ng iyong sariling Git server, mayroon kang iilang opsyon para i-host ang iyong mga proyekto sa Git sa isang dedikadong panlabas na hosting site. Ang paggawa nito ay nag-aalok ng ilang mga kalamangan: ang isang hosting site ay sa pangkalahatan ay daling i-set up at madaling magsimula ng mga proyekto, at walang maintenance sa server o kailangan ng pagsubaybay. Kahit na magset-up ka at magpatakbo ng iyong server internally, maaari mo parin gusto gumamit ng isang pampublikong hosting site para sa iyong open source na mga code — sa pangkalahatan mas madali para sa open source na komunidad na hanapin at tulungan ka.

Sa mga araw na ito, ikaw ay mayroong isang malaking bilang ng mga opsyon sa hosting na pagpipilian, bawat isa ay may mga kalamangan at kawalan. Upang makita ang isang up-to-date na listahan, tingnan ang pahina ng GitHosting sa pangunahing wiki sa https://git.wiki.kernel.org/index.php/GitHosting

Tatalakayin namin ng detalyado ang paggamit ng Github sa GitHub, dahil ito ang pinakamalaking Git host doon at maaaring kailangan mong makipag-ugnayan sa mga proyekto na naka-host roon sa anumang kaso, ngunit mayroong dose-dosenang higit pa na pagpipilian kung hindi mo nais mag-set up ng iyong sariling Git server.

scroll-to-top