Git
Chapters ▾ 2nd Edition

1.2 Pagsisimula - Isang Maikling Kasaysayan ng Git

Isang Maikling Kasaysayan ng Git

Gaya ng napakaraming mga magagandang bagay sa buhay, ang Git ay nagsimula sa malikhaing pagkawasak at mainit na kontrobersiya.

Ang Linux na kernel ay isang open source software na proyekto na may lubhang malaking pakay. Halos sa buong buhay ng Linux kernel na maintenance (1991-2002), mga pagbabago sa software ay pinasa-pasa sa paligid bilang mga patches at mga naka-archive na mga files. Sa 2002, ang Linux kernel na proyekto ay nagsisimulang gumamit ng isang pribadong DVCS na tinatawag na BitKeeper.

Sa 2005, ang relasyon sa pagitan ng komunidad ng naglikha ng Linux na kernel at ang komersyal na kumpanya na gumawa ng BitKeeper ay nasira, at ang libre-sa-gasto na estado ng kagamitan ay tinanggal. Ito ang nagbigay diin sa development na komunidad ng Linux (at lalong-lalo na si Linux Torvalds, ang naglikha ng Linux) na gumawa ng kanilang sariling kagamitan ayon sa mga iilang mga aralin na natutunan nila habang gumagamit ng BitKeeper. Ang ilan sa mga layunin ng bagong sistema ay ang sumusunod:

  • Bilis

  • Simpleng disenyo

  • Malakas na suporta sa non-linear na pagdedevelop (libu-libong mga parallel na branches)

  • Ganap na ipinamamahagi

  • Mabisang magagamit sa malalaking mga proyekto gaya ng Linux kernel (bilis at laki ng datos)

Mula nang pagsilang nito noong 2005, ang Git ay nagbago at nag-mature para madaling magamit at naglakip pa rin sa mga inisyal na mga katangiang ito. Ito ay lubhang napakabilis, sadyang mabisa sa mga malalaking proyekto, at mayroon itong kahanga-hangang branching na sistema para sa non-linear na pagdedevelop (Tingnan ang Pag-branch ng Git).

scroll-to-top