-
1. Pagsisimula
-
2. Mga Pangunahing Kaalaman sa Git
-
3. Pag-branch ng Git
-
4. Git sa Server
- 4.1 Ang Mga Protokol
- 4.2 Pagkuha ng Git sa isang Server
- 4.3 Ang paglikha ng iyong Pampublikong Susi ng SSH
- 4.4 Pag-Setup ng Server
- 4.5 Git Daemon
- 4.6 Smart HTTP
- 4.7 GitWeb
- 4.8 GitLab
- 4.9 Mga Opsyon ng Naka-host sa Third Party
- 4.10 Buod
-
5. Distributed Git
- 5.1 Distributed Workflows
- 5.2 Contributing to a Project
- 5.3 Maintaining a Project
- 5.4 Summary
-
6. GitHub
-
7. Mga Git na Kasangkapan
- 7.1 Pagpipili ng Rebisyon
- 7.2 Staging na Interactive
- 7.3 Pag-stash at Paglilinis
- 7.4 Pag-sign sa Iyong Trabaho
- 7.5 Paghahanap
- 7.6 Pagsulat muli ng Kasaysayan
- 7.7 Ang Reset Demystified
- 7.8 Advanced na Pag-merge
- 7.9 Ang Rerere
- 7.10 Pagdebug gamit ang Git
- 7.11 Mga Submodule
- 7.12 Pagbibigkis
- 7.13 Pagpapalit
- 7.14 Kredensyal na ImbakanCredential Storage
- 7.15 Buod
-
8. Pag-aangkop sa Sariling Pangangailagan ng Git
- 8.1 Kompigurasyon ng Git
- 8.2 Mga Katangian ng Git
- 8.3 Mga Hook ng Git
- 8.4 An Example Git-Enforced Policy
- 8.5 Buod
-
9. Ang Git at iba pang mga Sistema
- 9.1 Git bilang isang Kliyente
- 9.2 Paglilipat sa Git
- 9.3 Buod
-
10. Mga Panloob ng GIT
- 10.1 Plumbing and Porcelain
- 10.2 Git Objects
- 10.3 Git References
- 10.4 Packfiles
- 10.5 Ang Refspec
- 10.6 Transfer Protocols
- 10.7 Pagpapanatili At Pagbalik ng Datos
- 10.8 Mga Variable sa Kapaligiran
- 10.9 Buod
-
A1. Appendix A: Git in Other Environments
- A1.1 Grapikal Interfaces
- A1.2 Git in Visual Studio
- A1.3 Git sa Eclipse
- A1.4 Git in Bash
- A1.5 Git in Zsh
- A1.6 Git sa Powershell
- A1.7 Summary
-
A2. Appendix B: Pag-embed ng Git sa iyong Mga Aplikasyon
- A2.1 Command-line Git
- A2.2 Libgit2
- A2.3 JGit
-
A3. Appendix C: Mga Kautusan ng Git
- A3.1 Setup at Config
- A3.2 Pagkuha at Paglikha ng Mga Proyekto
- A3.3 Pangunahing Snapshotting
- A3.4 Branching at Merging
- A3.5 Pagbabahagi at Pagbabago ng mga Proyekto
- A3.6 Pagsisiyasat at Paghahambing
- A3.7 Debugging
- A3.8 Patching
- A3.9 Email
- A3.10 External Systems
- A3.11 Administration
- A3.12 Pagtutuberong mga Utos
1.5 Pagsisimula - Pag-install ng Git
Pag-install ng Git
Bago ka magsimulang gumamit ng Git, dapat mo itong i-install sa iyong kompyuter. Kahit pa na naka-install na ito, marahil ay magandang ideya pa rin na i-update ito sa pinakabagong bersyon. Maaari kang mag-install nito bilang isang package o sa pamamagitan ng ibang installer, o mag-download ng source code at i-compile mo ito nang ikaw lang.
Ang aklat na ito ay isinulat gamit ang Git na bersyon 2.0.0. Kahit na ang karamihan sa mga kautusan na gagamitin natin ay gagana pa rin sa napakalumang bersyon ng Git, ang iilan sa mga ito ay maaaring hindi o maaaring may medyong kaibahan kung gumamit ka ng lumang bersyon. Dahil ang Git ay sobrang mahusay sa pag-preserve ng backwards compatibility, kahit anung bersyon pagkatapos ng 2.0 ay gagana pa rin.
Pag-install sa Linux
Kung gusto mong i-install ang mga pangunahing kagamitan ng Git sa Linux sa pamamagitan ng isang binary na installer, maaari mo itong gawin sa pangunahing package-management na kagamitan na kalakip ng iyong distribusyon. Kung ikaw ay nasa Fedora bilang halimbawa (o kahit anong kaparehong RPM-based na distro gaya ng RHEL o CentOS), maaari mong gamitin ang dnf
:
$ sudo dnf install git-all
Kung ikaw ay nasa Debian-based na distribusyon gaya ng Ubuntu, subukan ang apt-get
:
$ sudo apt-get install git-all
Para sa karagdagang mga opsyon, mayroong mga hakbang sa pag-install sa iilang iba-ibang mga Unix Flavors sa Git na website, sa http://git-scm.com/download/linux.
Pag-instal sa Mac
Mayroong iba’t ibang pamamaraan ng pag-install ng Git sa Mac. Ang pinakamadali ay marahil ang pag-install ng Xcode Command Line Tools. Sa Mavericks (10.0) o mas mataas pa, maaari mo itong magawa sa simpleng pagpapatakbo ng git mula sa Terminal sa unang pagkakataon.
$ git --version
Kung hindi mo pa ito na-install, ito ay mag-prompt sa iyo na i-install ito.
Kung gusto mo ang isang mas bago na bersyon, maaari mo rin itong i-install sa pamamagitan ng isang binary na installer. Ang macOS Git na installer ay naka-maintain at mai-download mula sa Git na website, sa http://git-scm.com/download/mac.
Maari mo rin itong i-install bilang bahagi ng GitHub para sa Mac na pag-install. Ang kanilang GUI Git na kagamitan ay mayroong ding opsyon na mag-install na command line na mga kagamitan. Maaari mong i-download ang kagamitan na ito mula sa Github para sa Mac na website, sa http://mac.github.com.
Pag-install sa Windows
Mayroon ding maraming pamamaraan ng pag-install ng Git sa Windows. Ang pinaka-opisyal na build ay mai-download mula sa Git na website. Pumunta lang sa http://git-scm.com/download/win at ito ay awtomatikong mag-download. Tandaan na ito ay isang proyekto na tinatawag na Git para sa Windows, kung saan hiwalay sa mismong Git; para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, pumunta sa https://git-for-windows.github.io/.
Para makakuha ng automated na pag-install maaari mong gamitin ang Git Chocolatey package. Tandaan na ang Chocolatey na package ay pinangasiwaan ng komunidad.
Isa pang madaling paraan para ma-install ang Git ay sa pamamagitan ng pag-install ng GitHub para sa Windows. Ang installer ay naglakip ng command line na bersyon ng Git, pati na rin ang GUI. Maaari din itong gumana kasabay ang Powershell, at nag set-up ng matatag na credential caching at magaling na CRLF na mga setting. Matutunan pa natin ang tungkol sa mga bagay na iyon mga ilang sandali, ngunit sapat na sabihin natin na iyon ang mga bagay na gugustuhin mo. Maaari mo itong i-download mula GitHub para sa Windows na website, sa http://windows.github.com.
Pag-install mula sa Source
May iilang mga tao ang gustong mag-install ng Git mula sa source, dahil makukuha mo ang pinakabagong bersyon. Ang mga binary na installer ay maaaring huli ng kaunti, ngunit ang Git ay nag-mature na sa nakaraang mga taon, ito ay wala nang masyadong kaibahan.
Kung gusto mo pa ring mag-install ng Git mula sa source, kakailanganin mo ang sumusunod na mga library kung saan ang Git ay nakadepende: autotools, curl, zlib, openssl, expat, at libiconv. Halimbawa, kung ikaw ay nasa isang sistema na mayroong dnf
(gaya ng Fedora) o apt-get
(gaya ng Debian-based na sistema), maaari mong gamitin ang isa sa mga command na ito para mag-install ng minimal na dependencies para sa pag-compile at pag-install ng Git na mga binaries.
$ sudo dnf install dh-autoreconf curl-devel expat-devel gettext-devel \
openssl-devel perl-devel zlib-devel
$ sudo apt-get install dh-autoreconf libcurl4-gnutls-dev libexpat1-dev \
gettext libz-dev libssl-dev
Para magawa mo ang pagdagdag ng dokumentasyon sa iba’t ibang format (doc, html, info), ang mga karagdagang dependencies na ito ay kinakailangan (Tandaan: ang mga gumagamit ng RHEL at RHEL-derivatives gaya ng CentOS at Scientific Linux ay kinakailangang i-enable ang EPEL na repository para ma-download ang docbook2X
na package):
$ sudo dnf install asciidoc xmlto docbook2X getopt
$ sudo apt-get install asciidoc xmlto docbook2x getopt
Bukod dito, kung ikaw ay gumagamit ng Fedora/RHEL/RHEL-derivatives, kailangan mong gawin ito
$ sudo ln -s /usr/bin/db2x_docbook2texi /usr/bin/docbook2x-texi
dahil sa mga kaibahan ng binary name.
Kung mayroon ka na sa lahat ng kinakailangang mga dependecies, maaari ka nang magpatuloy at kumuha ng pinakabagong tagged na release tarball mula sa iilang mga lugar. Maaari mo itong makuha sa kernel.org na site, sa https://www.kernel.org/pub/software/scm/git, o sa mirror na nasa GitHub na website, sa https://github.com/git/git/releases. Karaniwang mas malinaw kung ano ang pinakabagong bersyon sa GitHub na pahina, ngunit ang kernel.org na pahina ay mayroon ding mga release signatures kung gusto mong i-verify ang iyong download.
Pagkatapos, ay mag-compile at mag-install:
$ tar -zxf git-2.0.0.tar.gz
$ cd git-2.0.0
$ make configure
$ ./configure --prefix=/usr
$ make all doc info
$ sudo make install install-doc install-html install-info
Pagkatapos magawa ito, maaari mo ring kunin ang Git sa Git mismo para sa mga updates:
$ git clone git://git.kernel.org/pub/scm/git/git.git